MATINDI ang politika sa bansa lalo na’t malapit na ang election period.
Pero sa kabila nito ay ipinarating ni Sen. Christopher “Bong” Go sa publiko ang kaniyang mensahe na nagsasabing hindi siya magpapa-apekto sa init ng politika.
Lalo pa ngayon na patuloy na dumarami ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong.
Sabi ni Sen. Go, utang niya sa mga Pilipino at ng mga katulad niyang ‘workers in government’ ang oras na ibinigay sa kaniya bilang isang halal na opsiyal.
Dahil dito, alam ng senador na ang kailangan ngayon ng mga Pilipino ay hindi batuhan ng tsismis kundi serbisyo, tulong, at pagmamalasakit lalo na sa dumaraming Pilipinong mahihirap.
Dagdag pa ni Sen. Go, lumabas sa isang survey na “kawalan ng trabaho” at “kalusugan” ang top concerns ng mga Pilipino ngayon.
Mula rito ay sinabi ng butihing senador na paano pa siya magkaka-oras sa pamumulitika ng iba kung napakaraming Pilipino ang nangangailangan ng serbisyo.