PAGKATAPOS ng dalawang linggo, inaasahang mailalagay na ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang website ang mga COC ng mga kandidato na gustong maluklok sa national at local positions sa taong 2025.
Sinabi ng COMELEC na paraan ito para mas makilala ng mga botante ang mga kandidato at matulungan silang makapaghain kaagad ng petisyon sa komisyon kung ang partikular na tao ay hindi dapat makatakbo o dapat iboto ng mga tao.
Ang mga taga-Maynila, suportado ang ganitong hakbang ng komisyon.
Ilang botante sa Maynila, na-turn off sa senatorial aspirant na si France Castro
Kahit nga wala pang naipo-post ang COMELEC, ang ibang bontante, nagpahayag na agad ng pagtutol sa kandidatura ng senatorial aspirant na si France Castro na convicted sa kasong Child Abuse.
Ayon sa mga botante, hinding-hindi nila iboboto ang mga tulad ni France Castro.
Samantala, bukas naman ang mga botante na suportahan ang mga personalidad na first time na tatakbo gaya ni Pastor Apollo C. Quiboloy.
Si Pastor Apollo ay tatakbong senador sa darating na 2025 elections.
Sa social media nga ay bumuhos na ang suporta ng mga netizen sa kandidatura ni Pastor Apollo.
Sa huling update ng COMELEC, mayroon nang 66 senatorial aspirants ang pasok sa listahan ng komisyon para kumandidato sa 2025.
Patuloy pa ang ginagawang pagsasala ng law department sa mga COC na kanilang natanggap para sa national positions.
Extended naman hanggang Myerkules ang pagsusumite ng petisyon laban sa mga nuisance candidate.
Ang mga irerekomenda ng law department na maging kandidato at ang mga hindi ituturing na kandidato ay isusumite sa Comelec EN banc bago ang pagpapalabas ng opisyal na listahan para sa iba’t ibang naturang posisyon.