BuCor, nakagiba ng halos 3K kubol sa loob ng Bilibid

BuCor, nakagiba ng halos 3K kubol sa loob ng Bilibid

HALOS tatlong libong kubol ng mga persons deprived of liberty (PDLs) sa Maximum Compound ng New Bilibid Prison (NBP) ang giniba ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, Jr. halos tatlong libong kubol ang kanilang dinismantle.

Partikular nilang giniba ay ang mga dingding ng mga kubol para aniya walang nang maitatago ang mga PDL.

Ayon kay Catapang, nasa 20,000 na mga PDL ang nakatira sa mga sinirang kubol na ito.

Pagmamay-ari aniya ng mga mayores ang malalaking kubol doon.

Kasabay ng paggiba ng mga kubol ay ang pagkakadiskubre sa iba’t ibang klase ng kontrabando.

Samantala, umaabot na sa 1,000 na PDL ang nai-transfer ng BuCor sa piitan sa Ihawig at Sablayan Occidental Mindoro.

Ito ay para unti-unting malinis na ang Bilibid sa mga inmate.

Una sa mga inilipat ay mga drug lord.

Samantala, mahigit 900 ang papayagan ng BuCor na makapagboto para sa BSKE.

Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng simulation sa loob ng Bilibid para ihanda ang mga eligible PDL bago ang halalan sa Oktubre.

Ito ang unang pagkakataon na papayagan ulit ng Commission on Elections (COMELEC) na makapagboto sa local elections ang mga bilanggo.

Follow SMNI News on Rumble

 

Follow SMNI NEWS on Twitter