Budget at abogado ng PAO kailangan dagdagan – Sen. Tulfo

Budget at abogado ng PAO kailangan dagdagan – Sen. Tulfo

BINIGYANG-diin ni Senator Raffy Tulfo ang pangangailangan ng gobyerno na palakasin ang Public Attorney’s Office (PAO) sa pamamagitan ng pagdadagdag ng budget at mga abogado na parte ng ahensiya.

“Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin,” pahayag ni Senator Tulfo.

Sa courtesy visit ni PAO Chief Persida Acosta sa opisina ng senador kahapon, sinabi ni Tulfo na makikipagtulungan siya sa ahensiya para mas epektibo itong makapagbigay-serbisyo sa mga Pilipino.

Ibinahagi rin ng mambabatas ang kanyang napansin na walang tumatagal sa PAO.

Aniya, ang mga abogado sa opisina ay kumukuha lang ng experience, tapos lumilipat na dahil sa sobrang dami ng trabaho.

Aminado naman si Atty. Acosta na hindi sapat ang kasalukuyang 2,400 na abogado sa buong bansa sa ilalim ng PAO.

“Overworked sila. After five years, nagfi-fiscal na sila or nagja-judge. Lumilipat kasi napapagod,” ayon kay Atty. Persida Acosta, PAO Chief.

Kahit kulang sa bilang, sinabi ni Tulfo na umaasa siyang masisiguro pa rin ng PAO na matatrato nang tama at mabibigyan ng hustisya ang lahat ng nangangailangan ng tulong ng ahensiya.

“Hanggang kaya, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. Kasi kung minsan yung Fiscal, nagde-decide din basta-basta na kulang sa ebidensya,” ayon kay Tulfo.

BASAHIN: Libreng serbisyong legal, pinalakas pa ng PAO sa pagkuha ng higit 200 abogado

Follow SMNI News on Twitter