NANANATILING P733M ang napagkasunduang budget para sa Office of the Vice President (OVP) sa ilalim ng P6.352T na 2025 General Appropriations Bill (GAB).
Ibinahagi ito ni Senate Finance Committee Chair Sen. Grace Poe matapos inaprubahan ng Bicameral Conference Committee nitong Disyembre 11, 2024 ang final version ng magiging national budget sa susunod na taon.
Muling ipinaliwanag ni Sen. Poe na walang pormal na request ang OVP na naglalayong dagdagan ang kanilang pondo at sakaling may sinabi hinggil dito ay wala anila silang impormasyong natanggap.
Sa mga committee hearing, sinabi na rin naman aniya ng OVP na hahayaan nila ang Kongreso kung magkano ang budget na ibibigay sa kanila.
Ito ang dahilan kung bakit nanatiling P733M ang pondo ng OVP sa final version ng proposed 2025 national budget.