Buendia Station sa EDSA Busway, pwede nang gamitin

Buendia Station sa EDSA Busway, pwede nang gamitin

PWEDE nang gamitin ng mga bus ang EDSA median bus station sa Buendia, Makati City

Ito ay matapos pormal nang binuksan  ang nasabing bus stop para sa karagdagang gagamitin ng mga pasahero sa EDSA Busway.

Lalong mapapadali ang mga biyahe ng mga commuter na sumasakay ng mga bus na dumadaan sa EDSA busway.

Maaari na kasing makasakay ang mga commuter sa Buendia Station sa Makati.

Magiging opsyon na ito ng masasakyan ng mga sumasakay sa MRT sa Buendia.

Una nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makatutulong at mahalaga ang bagong bus station dahil imbes na yung mga bus ay dirediretso sa Ayala mula sa bus carousel ay kumakanan pa para lang maibaba ang mga pasahero.

Pero ngayon na may karagdagang istasyon ay dirediretso na ang biyahe ng mga bus.

Sa kasalukuyan, 13 na ang operational bus stations sa median lane ng EDSA Busway kabilang ang Buendia.

Binuksan na rin ng MMDA nakaraang linggo ang footbridge patawid sa istasyon ng EDSA bus carousel sa gitna ng highway.

Maaakyat ito mula sa mga hagdanan sa bungad ng Makati Avenue sa southbound ng EDSA.

Paraan na rin ang footbridge para hindi tumawid sa kalsada ang mga bababa o sasakay ng bus.

Tinataya ng MMDA na ginagamit ng 3 milyong katao ang mga footbridge nito.

BASAHIN: Pedestrian footbridge sa EDSA Buendia bus carousel station, binuksan na

SMNI NEWS