SAKTO isang buwang kahapon araw ng Hulyo 10 nang lusubin ng mga batalyon ng PNP-SAF at CIDG ang mga religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ (KOJC), at dahil bigo silang matagpuan si Pastor Apollo C. Quiboloy, P10-M pabuya naman ang ipinatong ng DILG sa ulo ni Pastor. Ayon sa kampo ng KOJC, patunay lamang ito na nanganganib ang buhay ni Pastor Apollo sa ilalim ng Marcos administration.
“This government is so desperate para makuha talaga si Pastor, ang ulo po ni Pastor, so gagawin nila lahat so expected na po ‘yan, baka ‘yang 10 million aakyat pa po ‘yan, mga shoot to kill, kahit ano po ang gagawin nila hakbang para makuha nila kasi nga papasok na sila, pumasok na po sila sa extraordinary rendition, assassination, at liquidation,” ayon kay Bro. Carlo Catiil, Resident Minister.
Ito ang direktang pahayag ng KOJC Resident Minister na si Bro. Carlo Catiil sa press conference kaugnay sa pagpapalabas ng P10-M pabuya sa sinumang makapagtuturo kung nasaan si Pastor Apollo habang tig-iisang milyong piso naman sa lima pang ibang akusado na kasamahan ng butihing pastor.
Matatandaang una nang inihayag ni Pastor Apollo na hindi siya nagtatago sa batas kundi iniingatan lamang niya ang kanyang buhay dahil nakatanggap siya ng impormasyon mula sa kaniyang credible source na posibleng idaan siya sa extraordinary rendition.
Ang extraordinary rendition ay isang pamamaraan na ginagawa ng Estados Unidos kung saan ang isang tao ay lihim na kikidnapin at dadalhin sa ibang bansa para sa interogasyon o detensiyon o torture o ‘di kaya’y assassination, at kadalasan ito’y walang legal na proseso o basbas ng korte.
Matatandaang nagsalita rin noon ang mga dating opisyal ng Palasyo at batikang abogado kaugnay rito at sinabing nauunawaan nila ang sitwasyon ni Pastor Apollo.
“Kung patas ang laban, sisipot siya. Pero hindi po patas ang laban ng mga Amerikano. Dokumentado po iyan na legal sa kanila ang mangidnap. Dokumentado po ‘yan na ginagawa ang extraordinary rendition,” ayon kay Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.
“Sapagkat ‘yung pong pamahalaang Estados Unidos ‘pag ikaw ay nasa wanted list eh talagang ginagawa nila ang lahat para burahin ka. Pinakita na sa kasaysayan na talagang ina-assassinate nila ang mga nasa wanted list nila ‘pag hindi nila makuha,” ayon naman kay Atty. Salvador Panelo, Former Chief Presidential Legal Counsel.
Noong 2018, kinasuhan si Pastor Apollo sa Estados Unidos dahil sa umano’y cash smuggling at trafficking cases, kung saan hinarap ito ng kaniyang kampo na mayroong 20 batikang abogado sa Amerika, ngunit ayon sa KOJC, naging kumplikado ang lahat sa pagpasok ng Marcos administration, kung saan matapos ang sunud-sunod na pagbisita nito sa Amerika simula Setyembre 2022 ay tila nag-iba na ang direksiyon ng kaniyang administrasyon lalo na sa mga Duterte at maging kay Pastor Apollo na kilalang nagbigay sa kanilang suporta sa UniTeam ni Vice President Sara Duterte.
Pastor ACQ, target ng Marcos admin dahil sa mga Duterte—Former NPA Cadre
Para sa dating kadre at intelligence officer ng CPP-NPA-NDF na si Jeffrey Ka Eric Celiz, target si Pastor Apollo dahil sa mga Duterte.
Nagsimula aniya ito nang tumaya si Pastor Apollo sa mga panahong sunud-sunod na panggigipit ng Marcos administration kay Vice President Sara Duterte dahil sa isyu ng confidential fund at nagkaroon ng programa si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa SMNI.
“The hatch of the plan was very clear. Destroy the Duterte, they drew the first blood. Doon po tumaya si Pastor, doon tumaya ang SMNI at nabuhay muli ang programang Gikan sa Masa, Para sa Masa and Rodrigo Duterte became a Rockstar again, influencing public opinion and creating a very clear narrative exposing kung gaano kabulok ang Kongreso at gaano nangalapkap muli ang kapalpakan sa pagkontra sa korapsyon sa ilalim ng Marcos Jr., and the rest were exposed so clearly through SMNI,” pahayag ni Ka Eric Celiz, Former NPA Cadre.
Mga hakbang ng Marcos admin vs Pastor Apollo C. Quiboloy, tila wala na sa batas—KOJC Legal Counsel
Para naman sa legal counsel ng KOJC, wala nang legal na ginagawa ang administrasyon ni Marcos Jr. laban kay Pastor Apollo.
“I cannot help but think that there is actually nothing legal in the moves on the part of this administration as against Pastor Apollo C. Quiboloy. In finding probable cause, I find it very discomforting, because there was no really probable cause. The outright filing of the case against him despite the fact that there was no probable cause and the lack of action in the DOJ in so far as the motion for reconsideration coupled with the precipitate and the illegal service of warrant of arrests make me believe that perhaps this is really a distraction. This is no longer legal but a political move in order to divert away the nation’s attention from the basic problems besetting the country nowadays,” pahayag ni Atty. Israelito Torreon, KOJC Legal Counsel.
KOJC mayroong babala sa patuloy na panggigipit ng gobyerno kay Pastor Apollo C. Quiboloy
Sa huli, mayroon namang paalala ang executive secretary ng KOJC na si Sis. Eleanor Cardona sa mga patuloy na yumuyurak sa pagkatao ni Pastor Apollo.
“We have wronged no man, we have corrupted no man, we have defrauded no man….[reads prophecy],” pahayag ni Sis. Eleanor Cardona, KOJC Executive Secretary.