Cagayan Governor Mamba, iginiit na ayaw sa giyera ng mga taga-Cagayan

Cagayan Governor Mamba, iginiit na ayaw sa giyera ng mga taga-Cagayan

IGINIIT ni Cagayan Governor Manuel Mamba na ayaw sa giyera ng mga taga-Cagayan.

Reaksyon ito ni Mamba sa patuloy na girian ng China at Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

May dalawang EDCA sites ang Amerika sa Probinsya ng Cagayan.

Giit naman ni Mamba na ‘anti-foreign forces’ ang mga mamamayan ng kaniyang probinsya.

Kilala si Mamba bilang kritiko sa pagdami ng EDCA sites sa bansa ngayong Marcos administration.

Sa loob din ng kasalukuyang administrasyon nang patawan si Mamba ng ‘disqualification’ ng COMELEC sa isyu ng spending ban sa eleksyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter