BUKAS ang bansang Cambodia na makipagpulong sa Turkey para sa pagpapalago ng sektor ng turismo.
Sa isinagawang courtesy call ni Turkey Ambassador to Cambodia Ulku Kocaefe kay Tourism Minister Thong Khon, pinuri nito ang bansa sa maayos na paghawak nito sa COVID-19 pandemic.
Partikular na pinagtuunan ng pansin ni Ambassador Kocaefe ang posibleng pagbubukas ng direct flights ng Cambodia sa Turkey upang mas mapalalim pa nito ang ugnayan ng dalawang bansa patungkol sa magagandang tanawin.
Naniniwala ang Turkish Ambassador na susi ang pagbubukas ng direct flights sa Cambodia upang lumakas ang sektor ng transportasyon ng bansa.
Samantala, plano rin ng Cambodia na i-promote ang green tourism o green pass maging ang visa application sa Turkey sa darating na panahon.