INIHAYAG ng mga awtoridad na nangunguna sa pangunahing sakit ang cancer na pumapatay sa mga kabataan sa bansang Brazil.
Ayon sa José Alencar Gomes Da Silva National Cancer Institute (INCA) sa kabila ng pagiging malimit na kaso sa mga kabataan ay ito pa rin ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kabataan sa Brasil na may edad 1 hanggang 19 taong gulang.
Kinumpirma ito ni Flávia Martins, isang oncologist at miyembro ng Board of Directors of the Brazilian Society of Pediatric Oncology (SOBOPE) na hindi lamang ito sa Brazil kundi maging sa ilan pang mga developed countries at pumapangalawa lamang ang mga external causes gaya ng aksidente.
Dagdag pa ng eksperto na may tatlong uri ng sakit ang cancer sa mga kabataan na may pinakamalaking namamatay ay ang leukemia o cancer ng dugo at bone marrow, tumor sa Central Nervous System (CNS), at lymphomas o ang cancer sa lymphatic system.
Dahil dito, inirekomenda ni Martins para malaman ang maagang diagnosis ay dapat na bigyang pansin ang pangangailangan ng bata dahil hindi umano pare-pareho ang diagnosis ng cancer gaya na lamang ng lagnat.
Paalala ng doktor na ang normal na lagnat ay nagtatagal lamang sa pagitan ng tatlo hanggang limang-araw at hindi nagsasanhi ng anumang pananakit ng parte ng katawan ng bata, at kailangan pansinin din kung nakikitaan ng pamumutla ang bata.