‘Canton Fair’ tuloy sa kabila ng isyu sa WPS—FFCCCII

‘Canton Fair’ tuloy sa kabila ng isyu sa WPS—FFCCCII

MAGBUBUKAS na sa Agosto 15 ang pinakamalaking China Import and Export Fair o ang mas kilalang Canton Fair.

Ito ay taunang ginagawa sa China kung saan mayroong mga exhibition ng iba’t ibang teknolohiya at produkto ng mga Tsino na maaring ma-import ng iba’t ibang bansa.

Sa Canton Fair, bukas din ang oportunidad para sa mga exporter.

Isa sa mga makikilahok dito ay ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc (FFCCCII).

Ayon kay FFCCCII President Cecilio Pedro, sa kabila ng mga isyu sa West PH Sea, ay dapat hindi mahinto ang trade sa pagitan ng bansang China at Pilipinas.

Canton Fair ng China, suportado ng DTI

Ang panawagang ito ay suportado ng Department of Trade and Industry.

Hinihikayat din nito ang mga Pilipino na makilahok sa importanteng aktibidad na ito.

Ayon sa FCCCII President ang 135th Canton Fair na gagawin sa susunod na buwan ay 30x na mas malaki kesa sa unang Canton Fair na nadaluhan nito.

Malaking bentahe anito sa mga negosyante sa FFCCCII ang makapunta sa naturang exhibition.

Pagkakataon na rin aniya ito ng mga exporter na magkaroon ng oportunidad sa bansang China.

Isa sa mga matagumpay na na-export ng Pilipinas at tinatangkilik na ngayon sa China ay ang durian.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble