MAKATITIYAK na ngayon ng mas magandang working conditions at proteksiyon mula sa anumang uri ng pang-aabuso ang caregivers sa buong bansa.
Ayon ito kay Sen. Jinggoy Estrada makaraang naipasa ang Caregivers’ Welfare Act.
Binigyang-diin ng senador na madalas “undervalued” ang mga caregiver ngunit sa pamamagitan ng naipasang batas, maaari na silang makapagtrabaho na may dignidad, nirerespeto, at hindi naabuso.
Samantala, noong Oktubre ay inihain ni Estrada ang isang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng P1-K na buwanang hazard pay ang mga barangay tanod.
Sa kasalukuyan ay nasa P600 lang ang natatanggap nila bawat buwan.
Ayon sa senador, nararapat na magkaroon ng incentive ang mga ito lalo na’t sila ang naatasan na magbantay sa kanilang barangay.