UMAASA ang boxer na si Carlo Paalam na matatalo na niya si Shukur Ovezov ng Turkmenistan sa kanilang muling face-off para sa ikalawang world Olympic Qualifying Tournament.
Mangyayari ang kanilang laban ala una ng hapon, ngayong Mayo 28, 2024 sa Bangkok.
Noong Marso sa kanilang unang laban para sa World Olympic Qualifying Tournament sa Italy ay natalo si Paalam.
Isa sa hadlang ay ang kaniyang injury na nakuha noon dalawang araw bago ang kanilang kauna-unahang face-off ni Ovezov.