CCTV footage kay VP Sara sa NAIA, demolition job—Prof. Tiquia

CCTV footage kay VP Sara sa NAIA, demolition job—Prof. Tiquia

LAGANAP sa social media ngayon ang larawan ni Vice President Sara Duterte kung saan paalis ito ng bansa kasama ang kaniyang pamilya patungong Germany.

Umani ito ng iba’t ibang negatibong reaksiyon sa mga netizen dahil sa timing ng kaniyang pag-alis kung saan naman nanalasa ang Habagat at Bagyong Carina.

Pero para sa isang batikang political strategist na si Prof. Malou Tiquia, isang demolition job diumano ang ginawang pagpapakalat ng naturang umano’y CCTV footage.

“Kung titignan niyo ho ‘yan, ‘yan ho ay hindi cellular phone shot, ‘yan ho ay photo ng CCTV sa NAIA, ang tanong ko ho, siya ho ay nagpaalam July 9 kasi ho lahat ng opisyal kahit empleyado kailangan may travel order na iprepresent sa bid bago makalabas, so humingi siya, nirespeto niya ang proseso kahit na sinasabing private ito,” saad ni Prof. Tiquia, Political Strategist.

“Sinong nag-utos sa security detail sa security ng NAIA na kunan siya i-splice ‘yang photo na ‘yan at i-release sa mainstream media, that is a demolition, sino ba nag-bossing ng GM, sino ba ang bossing ng security na nag ha-handle ng CCTV?” giit pa nito.

Kaugnay naman sa mga nagsasabing karapatan umanong malaman ng publiko kung nasaan ang bise presidente, ito ang tugon ni Tiquia.

“Eh private na travel iyan. Eh ang presidente nga nung pumunta ng Singapore noong nagbabagyo para manood nung karera ang picture niya hindi ganyan. Ang picture na nanduduon na Singapore. At nanunuod di ba. At ‘yun ay dahil shinare nila sa kanilang kaibigan nila. “Look I’m watching the” ganyan. Ito ba si Vice Presidente ang nag-share niyan? At sinabing ako’y paalis. Kasi ho private iyan. Respetuhin naman. Oho siya ay bise presidente pero may mga bagay na may protocol at may mga bagay na pribado. Biro niyo kasama niya ang kaniyang anak, ang kaniyang nanay, ang kaniyang asawa, ayun ho ba public matter to you?” giit pa ni Tiquia.

Sa naunang statement naman ni VP Sara, hindi nito inilihim sa publiko ang kaniyang pag-alis sa bansa kasama ang kaniyang pamilya.

Kasabay naman nito, ang pagtitiyak ng pamamahagi ng tulong ng Office of the Vice President (OVP) sa mga naapektuhan ng sama ng panahon.

Ayon pa kay Tiquia, bago pa man humagupit ang bagyo ay naka posisyon na ang naatasan ng bise presidente para sa pamamahagi ng tulong.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble