Channel 43, magiging main carrier ng SMNI sa paghahatid ng makabuluhang programa – Pastor Quiboloy

INIHAYAG ng Sonshine Media Network International (SMNI) na si Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang plano sa ibinigay na bagong frequency ng pamahalaan, ang Channel 43.

Kamakailan lamang ay pumutok ang balita na hawak na ng Swara Sug Media Corporation ang Digital Channel 43 ng AMCARA broadcasting company.

Sa Channel 43 umere ang lahat ng content noon ng ABS-CBN sa kanilang Blackbox.

Sa live Powerline program ngayong araw, tiniyak ni Pastor Apollo sa masang Pilipino na gagamitin niya ang bagong frequency para sa nation building.

At ang Channel 43 ay gagawin ng butihing Pastor bilang ‘main carrier’ ng SMNI sa paghahatid ng mga makabuluhang programa.

“Buong sanlibutan ito ang magiging main carrier ng Sonshine Media Network both domestic and international at sa streaming. Pero hindi mga iskandalo, puro magagandang mga programa. Nakakapag build up ng moral ng tao at pagkilala sa ating dakilang Ama unang-una kasi kung wala siya wala tayong magagawa dito,” pahayag ni Pastor Apollo.

Diin pa ng butihing Pastor, na hindi niya alam na dating channel ng Kapamilya Network ang binigay ng gobyerno.

Inaasahan naman nito na marami pang frequency ang igagawad sa SMNI kasabay ng pagtiyak na gagamitin ito nang wasto at patas na pamamaraan.

‘Magpapalaganap ito ng magandang balita at always the focus is nation building. Para sa ikabubuti ng ating pamahalaan, ng ating sambayanan, kapayapaan, pamilya, kalikasan at lahat ng magagandang values makikita po ninyo yan,’ ayon sa butihing Pastor.

Binati naman ng beteranong media man na si Jay Sonza si Pastor Apollo sa bagong frequency.

Ayon sa kanya, ang Digital Channel 43 ang ‘main carrier’ ng Kapamilya Network sa kanilang ‘domestic’ at ‘international broadcast at streaming.’

Tiniyak ni Pastor Apollo na magagandang programa lamang ang ipalalabas sa bago nitong channel.

‘Mga wholesome programs ang ating pong ipalalabas dito. So purihin ang dakilang ama sa pagpapalang naidagdag na mayroong digital network channel 43 na naipagkatiwala sa atin ng NTC.’

Follow SMNI News on Twitter