Paghawak ng SMNI sa Channel 43, welcome development para sa bayan –Atty. Gadon

Paghawak ng SMNI sa Channel 43, welcome development para sa bayan –Atty. Gadon

IGINAWAD ng National Telecommunication Commission (NTC) ang kontrol sa Channel 43 sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Ang digital channel 43 ay ang frequency dati ng AMCARA na naunang nadiskubre bilang dummy company ng ABS-CBN para makapaglagay ng kanilang mga programa.

Dito umere noon ang lahat ng mga programa sa Digi-box ng Kapamilya Network.

Para kay Atty. Larry Gadon, welcome development ang hakbang ng NTC dahil tiwala siya sa network kung saan ang tanyag na televangelist na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

“Ang SMNI ay isang mapagkakatiwalaan na media network. Hindi ito engaged sa mga propaganda, mga brain washing at mga indoctrination na ginagawa tulad ng ABS-CBN sa paninira nila sa pamilya at pulitiko na hindi sumusunod sa kanilang interes,” pahayag ni Gadon.

Sa ilalim ng liderato ni Pastor Apollo, umere ang programang Laban Kasama ang Bayan tatlong oras- limang araw sa isang linggo.

Ito ang natatanging programa sa balat ng Philippine television na kontra sa CPP-NPA-NDF na naka-angkla sa panininindigan ni Pastor Apollo laban sa teroristang komunistang grupo.

Bukod sa news and current affairs programs sa SMNI, 24/7 ring mapapanood ang mga spiritual program ni Pastor Apollo.

“Congratulations Pastor Quiboloy, hangad ko ang inyong malawig na malawig pa at tagumpay na pamamahayag sa pamamagitan ng SMNI- Sonshine Media Network International, DZAR at ang inyong buong media network. Congratulations, ako ay humahanga sa inyo,” dagdag ni Gadon.

Follow SMNI News on Twitter