UMATRAS na sa kaniyang senatorial bid ngayong 2025 midterm elections si dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson.
Inanunsiyo niya ito sa kaniyang Vlive Grand Launch sa Mall of Asia Arena nitong Linggo, Enero 12, 2025.
Sanhi ng pag-atras ang kaniyang kalusugan at aniya, hindi na niya ito pipilitin pa.
Ibinahagi na ni Singson na habang siya ay ginagamot para sa pneumonia, pinayuhan na rin siyang magpahinga nang matagal na panahon.
Ngayon ay nilinaw ni Singson na kahit aatras siya sa kaniyang senatorial bid, hindi naman ibig sabihin nito na hindi na siya maglilingkod para sa bansa.