Cherie Gil, may regalo kay Megastar bago namatay

Cherie Gil, may regalo kay Megastar bago namatay

IBINAHAGI ni Megastar Sharon Cuneta ang huling regalo ng yumaong kaibigan nito na si Cherie Gil.

Sa isang Instagram post, ibinunyag ni Sharon na niregaluhan siya ni Cherie ng isang naka-frame na larawan ng kanilang mga sarili na magkayakap sa isa’t isa.

Ayon kay Sharon, ibinigay ito ng yumaong beteranang aktres na nakabalot pa sa isang napakaganda na gift wrapper nang mag-dinner sila sa isang Japanese restaurant sa Makati.

Ibinahagi pa ni Sharon na ipina-display niya ito sa kanyang sala pagkatapos niyang umuwi noong gabing iyon.

Hindi maikakailang nabuo nina Cherie Gil at Sharon Cuneta ang isang mabigat na samahan.

Kaya understandable naman kung bakit naging emosyonal si Sharon matapos pumanaw si Cherie.

Follow SMNI NEWS in Twitter