MAGKIKITA ang China, Russia, at Iran sa Beijing ngayong Biyernes, Marso 14, 2025.
Tatalakayin nila ang nuclear issue ng Iran, kung saan lumalawak na anila ang imbentaryo nito sa uranium.
Sinabi ng United Nations na umabot na sa 60 percent purity ang uranium ng Iran, malapit na sa 90 percent purity na kailangan para sa paggawa ng nuclear weapon.
Noong 2015, sumang-ayon ang Iran na kontrolin ang kanilang binubuong nuclear program, ngunit noong 2018 ay unti-unti na rin silang bumalik sa naturang programa.