Chinese students, pauuwiin kapag hindi ipinagpatuloy ang pag-aaral dito sa Pilipinas

Chinese students, pauuwiin kapag hindi ipinagpatuloy ang pag-aaral dito sa Pilipinas

TINIYAK ng Bureau of Immigration (BI) na ida-downgrade ang visa at agad na pababalikin sa kanilang bansa ang sinumang foreign student na magwi-withdraw o hindi na magpapatuloy ng pag-aaral dito sa Pilipinas.

Ito ang naging pahayag ng ahensiya makaraang napansin ang pagdami ng mga foreign students sa bansa simula nang nagtapos ang pandemic na dulot ng COVID-19.

Gayunman ay nilinaw ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na hindi lang naman ito sa Cagayan province nangyayari, kundi ito ay laganap din sa iba pang bahagi ng bansa kung saan napili ng ilang mga dayuhang estudyante na dito sa Pilipinas ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nilinaw o tiniyak naman ni Sandoval na mga lehitimong estudyante ang mga Chinese na nag-aaral sa Cagayan at ito aniya ay batay sa natanggap nilang endorsement mula sa paaralan at sa Commissioner on Higher Education.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble