Choco Mucho, nagawang malagpasan ang Petro Gazz Angels sa PVL Conference

Choco Mucho, nagawang malagpasan ang Petro Gazz Angels sa PVL Conference

NAGING makapigil-hininga ang laban sa pagitan ng Choco Mucho Flying Titans at Petro Gazz Angels sa nagpapatuloy na PVL All-Filipino Conference.

Sa kanilang laban, kontrolado ng Choco Mucho ang first set, ngunit bago ito matapos ay nagawang magwagi ng Angels sa iskor na 24-26.

Pagdating ng second at third set, nagawang makabawi ng Flying Titans at kunin ang 2-1 set win.

Hindi naman nagpatinag ang Petro Gazz sa 4th set para paabutin ang kanilang laban sa 5th set.

Gayunpaman, tuluyang tinapos ng Choco Mucho ang kanilang laban sa iskor na 15-13 at kunin ang kanilang ikalawang panalo sa conference.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble