CIDG, ipinagdiwang ang kanilang ika-70 anibersaryo

CIDG, ipinagdiwang ang kanilang ika-70 anibersaryo

IPINAGDIWANG ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang ika-70 anibersaryo ngayong araw.

Ito ay may tema na “Para sa Makabagong Lipunan, Handog ng CIDG ang Matatag, Malakas, at Masigasig na Kapulisan para sa Patuloy na Pagtuklas ng Katotohanan.”

Pinangunahan ang selebrasyon ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. kasama si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagsilbing guest of honor at speaker.

Binigyan ng pagkilala ni Caramat ang kanilang mga tauhan na nagkaroon ng kontribusyon upang matamo ng CIDG ang kanilang misyon.

Tiniyak ni Caramat na patuloy ang pagsisikap nila upang matugunan ang mga pangunahing krimen na banta sa national security, economic sabotage at iba pang karumal-dumal at kahindik-hindik na krimen.

Samantala, hiniling ni Remulla sa CIDG na tulungan ang DOJ sa pamamagitan sa pagtututok sa mas malalaking krimen at paghuli sa bigtime criminals, gayundin sa pagkakaroon ng programa na tutugon sa mga insidente o kaso ng incestuous rape.

Follow SMNI NEWS in Twitter