Sen. Bong Go, dumalo sa ika-5 anibersaryo ng Malasakit Center sa VSMMC sa Cebu City

Sen. Bong Go, dumalo sa ika-5 anibersaryo ng Malasakit Center sa VSMMC sa Cebu City

DUMALO si Senator Christopher “Bong” Go sa ika-limang anibersaryo ng Malasakit Center sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa Cebu City.

Kasama ni Sen. Go si former Office of the Presidential Assistant for the Visayas Secretary Michael Lloyd Diño at ang aktor na si Philip Salvador.

Pinasinayaan din ng senador ang bago at permanenteng tanggapan ng Malasakit Center sa naturang ospital na kung saan ma avail ng mga Cebuano ang tulong na one-stop shop mula sa mga opisina ng PhilHealth, PCSO, DSWD, DOH at PAGCOR sa iisang lugar.

Ang Malasakit Center sa VSMMC ang kauna-unahang Malasakit Center sa bansa kung saan binuksan ito noong Pebrero 12, 2018.

Sa kabuoan, halos 730,000 na libo o 729,084 na mga pasyente ang natulungan ng Malasakit Center sa VSMMC.

Follow SMNI NEWS in Twitter