GAGANAP ang aktres na si Claudine Barretto sa title role na “Loyalista,” isang biopic ni Imelda Papin na ipinalabas bilang pagdiriwang ng ika-45 taon ng music veteran sa industriya.
Sa ginanap na premiere night ng pelikula noong Miyerkules Nobyembre 29, ipinaliwanag nina Barretto at Papin na ang “Loyalista” ay sinusundan ng buhay ng mang-aawit matapos niyang lisanin ang kaniyang karera sa Pilipinas upang makasama ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. at ang asawa nitong si Imelda Marcos sa Hawaii.
Ayon kay Papin inamin niya na ‘secretive’ ng kaniyang personal na buhay.
At nangako si Papin na magkakaroon ng malalaking rebelasyon ang pelikula, bilang paraan niya ng pagpapahayag ng pasasalamat sa mga sumuporta sa kaniya sa nakalipas na apat na dekada.
Samantala, kasama ni Barretto sa lead cast ng “Loyalista” sina Alice Dixson bilang Imelda Marcos at ER Ejercito bilang Ferdinand Marcos, Sr.