Coach Chot Reyes, aminado na nakararamdam ng kakaibang pressure bago ang laro sa SEA Games

Coach Chot Reyes, aminado na nakararamdam ng kakaibang pressure bago ang laro sa SEA Games

AMINADO si Coach Chot Reyes na nakararamdam siya ng pressure bago ang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Aniya, kakaiba rin ang pressure na ito sa nararamdaman niya kapag lalaban ang koponan na hinahawakan niya sa PBA, FIBA World Cup at sa lahat ng mga qualifying events.

Dagdag pa ni Reyes, inaasahan ng bansa na mananalo ang koponan ng gold medal sa SEAG.

Ito ang mga pahayag ni Reyes bago nagkaroon ng ensayo ang Gilas Pilipinas sa Moro Lorenzo Gym nitong Martes ng gabi.

Sa ngayon, magkakaroon ng 16 na manlalaro ng Gilas Pilipinas na lalaban sa SEA Games.

Samantala, hinihintay din ng Gilas ang iba pang manlalaro na sila Thirdy Ravena at Dwight Ramos mula sa Japan at Matthew Wright mula sa Canada.

Bukod pa rito, umaasa rin sila nang lubusang paggaling ni Japeth Aguilar para makapag-laro na ito kasama ang grupo.

Follow SMNI News on Twitter