MAS mainam na magkaroon ng coal deals ang Pilipinas sa Indonesia kung ikukumpara sa oil importation mula sa Russia.
Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na siyang chairman ng Senate Committee on Energy.
Aniya, isa ang Indonesia sa top exporters ng coal sa buong mundo at 90% sa energy mix ng Pilipinas ay mula sa coal-fired power plants.
Ang dalawang bansa pa aniya ay matagal nang magkatuwang simula nang naging aktibo ang Pilipinas sa sektor ng renewable energy.
Maganda na rin ito upang walang masabi ang ibang bansa na may pinapanigan ang Pilipinas hinggil sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Magugunitang kinokonsidera ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bumili ng oil at fertilizers mula sa Russia para masolusyonan ang tumataas na presyo ng gasolina sa Pilipinas.
Pinigilan nga lang ito ng mga eksperto dahil posibleng magkaroon ito ng masamang epekto sa bansa.
Mapapansing pinatawan ng economic sanction ng Estados Unidos at European Union ang Russia dahil sa pananakop nito sa Ukraine.