Math, science high school sa lahat ng probinsya, isusulong ni Gatchalian

Math, science high school sa lahat ng probinsya, isusulong ni Gatchalian

ISUSULONG ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagtatatag ng mga pampublikong math at science high school sa lahat ng mga lalawigan sa buong bansa.

Inihain ng senador ang Senate Bill No. 476, o ang Equitable Access to Math and Science Education Act, para magbigay ng pantay na access sa de-kalidad na edukasyon sa matematika, at teknolohiya ang lahat ng Pilipino.

Ayon kay Gatchalian ang pangunahing layunin ng panukalang batas ay alagaan ang hinaharap na henerasyon ng mga siyentipiko, mathematician, inhinyero, at iba pang mga propesyonal na magsisilbi sa bansa bilang mga katalista para sa pag-unlad ng siyensya, teknolohikal, at industriyal.

Samantala ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa liwanag ng pandaigdigang pagdiriwang ng World Science Day for Peace and Development.

Follow SMNI NEWS in Twitter