COMELEC, ‘di pa bayad sa P15-M utang sa Impact Hub Manila

COMELEC, ‘di pa bayad sa P15-M utang sa Impact Hub Manila

AMINADO ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi pa ito nakakapagbayad sa mahigit P15-M utang nito sa Impact Hub Manila, ang kanilang official partner sa Eleksyon 2022 Presidential at Vice Presidential debates.

Ito ay kasunod ng paglabas ng final demand letter na pinadala ng Impact Hub Manila sa komisyon.

Ayon sa sulat ng Impact Hub Manila, kahit pa nagdesisyon ang COMELEC na ikansela ang ikatlong bahagi ng debates ay hindi naman nakansela ang kanilang kontrata.

At sa kabila aniya ng mga paulit-ulit na paghingi ng bayad ay hindi pa rin umano ito nase-settle ng komisyon.

Iginiit naman ni COMELEC chairman George Garcia, na hindi maaring madaliin ang komisyon sa pagbabayad lalo pa aniya at iniimbestigahan pa nila ang criminal, administrative at civil liabilities ng naturang kasunduan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter