COMELEC: Bullying, diskriminasyon, at red-tagging sa kampanya ipinagbabawal

COMELEC: Bullying, diskriminasyon, at red-tagging sa kampanya ipinagbabawal

IPINAGBAWAL ng Commission on Elections (COMELEC) ang bullying at diskriminasyon sa panahon ng kampanya.

Sa inilabas na guidelines ng komisyon, kabilang sa mga ipinagbabawal ang diskriminasyon laban sa may kapansanan, kababaihan, at iba pang vulnerable groups.

“Despite pressure coming from certain sectors or groups, ay minarapat ilabas ito sapagkat naniniwala tayo na hindi po dahilan ang kampanya upang bastusin ang ilang grupo, ang ilang sektor, lalo na iyong mga miyembro ng vulnerable sector. Kahit pa nga anong paniniwala, naniniwala tayo na tama lamang gawin ito,” saad ni Atty. George Garcia, Chairperson, COMELEC.

“Alam niyo po, nakakalungkot kasi marami na po sa mga eleksyon na nakakaraan na gumagamit ng mga pananalita na sa atin ay foul na,” ani Garcia.

“Nakakalungkot na sa local campaigning, lagi na lang doon lumalabas ang bastusan, pambabastos, o kawalan ng respeto sa isa’t isa, lalong-lalo na sa panahon ng kampanya,” aniya.

Pati ang red-tagging ay ipinagbabawal ng poll body ngayong campaign period.

“Bagamat maaaring hindi sumasang-ayon sa atin ang ahensya ng pamahalaan na lumalaban dito o in charge sa ganito, pero napag-usapan po ng mabuti ng komisyon yan. And we would like to express our deepest regret sa mga kokondena sa amin dahil lang sa nilalagay namin yang ganyang bagay na tama lang na ginagawa at nilalagay namin sa COMELEC,” aniya pa.

Ang sinumang kandidato na lalabag sa kautusan ay kakasuhan at idi-disqualify ng poll body, lalo’t may mga batas na nagbabawal sa diskriminasyon o pambabastos ng kapwa.

“And we are classifying the violation of the anti-discrimination resolution of the commission as an election offense. Kung may mapapatunayan, hindi kami mag-aatubili na mag-file ng kaso at magdi-disqualify ng magba-violate niyan,” ani Garcia.

Umaasa rin ang COMELEC na may magsusumbong sa kanila sakaling may kandidatong makaranas ng diskriminasyon at pambabastos sa panahon ng kampanya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble