MAKIKITA sa ipinadalang larawan ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Atty. George Garcia ang kahindik-hindik na nangyaring shooting incident na naranasan ni Sulu Provincial Supervisor na si Atty. Vidzfar Julie at sa kapatid nito sa Zamboanga City.
Makikita ang mga nagkalat na dugo sa front seat.
Ang kapatid ni Atty. Julie, hindi nakaligtas sa insidente at binawian ng buhay.
Si Atty. Julie na siyang nasa driver side ay hindi naman napuruhan.
Sa FB post ni Atty. Julie, sinabi nitong buhay pa siya at hinamon ang nasa likod ng pamamaril na lumantad kung totoong matapang ang mga ito.
Si COMELEC Chair Garcia, una nang kinondena ang pananambang dahil pati kamag-anak ng kanilang tao ay damay sa insidente.
“No words are enough to condemn this treacherous act of violence against our people. What is more gruesome and unforgivable is when a loved one is caught in the crossfire so to speak. We are not yet prepared to cry hopelessness but a call for immediate action from authorities is strongly demanded,” wika ni Atty. George Garcia, Chairman, COMELEC.
Ayon kay Garcia, politiko na hindi umano napagbigyan ng kanilang PES ang nasa likod ng pananambang.
Apela ni Garcia, dapat agad na managot ang nasa likod nito.
Sinabi naman ni Garcia na sa kabila ng nangyari ay wala aniya silang balak na alisin sa trabaho si Atty. Julie.