COMELEC nakapag-imprenta na ng mahigit 53M na balota para sa May 12 elections

COMELEC nakapag-imprenta na ng mahigit 53M na balota para sa May 12 elections

76 percent nang tapos ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin sa national at local elections sa Mayo 12.

Sa ngayon kasi ay nasa mahigit 53 milyong balota na ang naimprenta ng komisyon gamit ang anim na printing machines.

Apat sa mga makinang ito ay mula sa National Printing Office (NPO) habang ang dalawa ay galing sa Miru Systems—ang service provider ng COMELEC.

Lahat naman ng mga naimprentang balota ay kailangang makapasa sa manual at machine verification bago ito tuluyang magamit sa halalan.

Ayon kay COMELEC Chairman Atty. George Garcia, 12.8 milyong balota na ang na-verify ng poll body.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble