COMELEC, nanindigan na hindi na palalawigin pa ang voter registration

COMELEC, nanindigan na hindi na palalawigin pa ang voter registration

NANINDIGAN ang Commission on Election (CMELEC) sa kanilang desisyon na huwag nang palawigin pa ang September 30 voter registration deadline.

Ito ay sa kabila ng mga panawagan mula sa mga mambabatas at iba’t ibang grupo na iurong ang naturang deadline.

Sa twitter post, sinabi ni Commissioner Rowena Guanzon na hindi na maaring palawigin pa ng COMELEC ang voter registration period.

Una nang ibinasura ng COMELEC ang apela na i-extend ang deadline hanggang Oktubre 31 sa halip pinalawig na lamang ng poll body ang voter registration hours.

 

SMNI NEWS