Command conference, isinasagawa ng mga opisyal ng PNP ngayong araw

Command conference, isinasagawa ng mga opisyal ng PNP ngayong araw

MULING nagpatawag ng command conference si Philippine National Police (PNP) chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa Camp Crame, Quezon City ngayong araw.

Dumalo sa pulong ang matataas na opisyal ng PNP kabilang ang kaniyang command group, at regional directors.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na ipinatawag ang pulong upang alamin ang sitwasyon sa ground.

Inaasahang ibababa ni Acorda ang mga direktiba para sa seguridad at kaligtasan ng publiko ngayong Kapaskuhan.

Simula Disyembre 15 ay itataas ng PNP sa full alert ang kanilang hanay kasabay ng pagsisimula ng tradisyunal na Simbang Gabi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter