Conan Gray, nakatakdang bumisita sa bansa sa susunod na taon para sa kanyang concert

Conan Gray, nakatakdang bumisita sa bansa sa susunod na taon para sa kanyang concert

NAKATAKDA nang bumisita at mag-perform sa bansa ang American singer na si Conan Gray sa susunod na taon ayon mismo sa concert promoter na Live Nation Philippines.

Dadalhin ni Gray ang “Superache Tour” nito sa SM Mall of Asia Arena sa February 18, 2023.

Magsisimula ang pre-sale ng tickets ni Gray sa November 17, 10 am-11:59 pm via Live Nation, samantalang ang general on-sale naman ay sa November 18, via SM tickets.

Ang tour ay bahagi ng selebrasyon ng sophomore album ni Conan na “Superache” na inilabas noong June 2022.

Si Gray ang singer sa likod ng mga hits na “Heather”, “Maniac”, at “Memories”.

 

Follow SMNI News on Twitter