MAGKAKAROON ng concert for a cause ngayong Disyembre 16, 2023 sa Amoranto Stadium, Quezon City.
Tampok ang iba’t ibang Pinoy artists sa nabanggit na concert.
Kabilang na rito sina Yeng Constantino, Glow G, Chocolate Factory, Typecast, Black Rosary, Repakol, Hagibis 4th Gen, Eye Candies, at Noelle & Natasha.
Maging ang Reymack Duo, Bryan & Ren, Rampage Duo, Beauty The Beast, Irene Diva, Darius Canete, at Ken.
Ang malilikom na pondo mula rito ay gagamitin para sa pagpapatayo ng dalawang classrooms kasama na ang iba’t ibang amenities sa Pantoc Elementary School sa Gabaldon, Nueva Ecija.
Ang general admission tickets ay nagkakahalaga ng P500.
Sa mga interesado, maaaring bisitahin ang www.ticketmelon.com.