2 Pinoy martial artists, sasabak sa One Friday Nights event ngayong Biyernes

2 Pinoy martial artists, sasabak sa One Friday Nights event ngayong Biyernes

MAGLALARO sa One Friday Fights 44 ngayong Disyembre 8 sa Bangkok, Thailand ang dalawang Pinoy mixed martial artists na sina Fritz “Kid Tornado” Biagtan at Carlo Von Bumina-ang.

Sa laro, makakalaban ni Biagtan si Babar Ali ng Afghanistan habang ang Turkish-Russian na si Ilyas Dursun ang makakatunggali ni Bumina-ang.

Noong Oktubre ay nanalo na si Biagtan via technical knockout kontra Deepak Bhardwaj ng India.

Si Bumina-ang naman sakaling manalo sa laro na ito ngayong Disyembre ay magsisilbing confidence-booster ng Team Lakay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble