WALANG problema para kay Senate President “Migz” Zubiri ang pagkakaroon ng confidential at intelligence funds sa ilang ahensya ng pamahalaan.
Sa kabila ito ng kanyang pagiging bukas sa suhestiyon ni Senador Koko Pimentel na tapyasan at ilipat sa ibang paggagamitan ang pondong ito para sa kalamidad.
Ayon kay Zubiri, basta’t hindi masyadong malaki ang pondo ay ayos lang lalo na’t mabibigyan din naman ng katwiran ang paggamit nito sa Commission on Audit (COA).
Sinabi pa ni Zubiri na kakailanganin din ang confidential at intelligence funds para sa pagkalap ng datos at para sa pagtugon sa biglaang pangangailangan ng isang ahensya.
Isang halimbawa rito ang confidential funds ng Department of Education (DepEd) na maaaring gamitin para sa rehabilitasyon ng mga paaralang napinsala ng Bagyong Paeng.