Cong. Arnie Teves, pakakasuhan na ng DOJ sa Manila RTC kasunod ng 2019 killings

Cong. Arnie Teves, pakakasuhan na ng DOJ sa Manila RTC kasunod ng 2019 killings

SASAMPAHAN na multiple murder cases ng Department of Justice (DOJ) si Cong. Arnulfo ‘Arnie’ Teves, Jr. dahil sa mga patayan na na naganap noong taong 2019 sa Negros Oriental.

Matapos ang deklarasyon kay Cong. Arnie Teves bilang terorista, sasampahan naman ito ng patung-patong na kaso ng murder dahil sa patayan na nanganap noong taong 2019 sa Negros Oriental.

Ang mga reklamo ay dahil sa pagpatay kay Michael Dungog na dating Board Member ng 3rd District ng Negros Oriental at dating National Bureau of Investigation (NBI) agent;  Lester Bato, bodyguard ng kandidato sa pagka-alkalde sa Negros Oriental, at Pacito Libron na isa umanong hitman na konektado kay Teves.

Matatandaang nagkaroon ng unang preliminary investigation sa DOJ noong Mayo 4 sa mga walang habas na pagpatay sa mga biktima.

Tumagal ang imbestigasyon ng DOJ ng apat na buwan.

Sa pagdinig ng DOJ ay bigong makapagsumite ng kontra salaysay si Teves at motion to dismiss ang inihain ng kampo nito.

Diin ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, sapat ang mga ebidensiya at testimonya laban kay Teves at kaniyang mga kasabwat na sumalang sa halos 4 na buwang imbestigasyon.

Maliban kay Teves, respondents sa kaso ay sina Hannah Mae Sunerano, Richard Cuadra, Jasper Tanasan, Alex Mayagma, at Rolando Pinili.

Ang reklamo sa mga respondents ay hinugot sa extrajudicial confession ni Gemuel Hobro na bahagi umano ng grupong binayaran ni Teves para sa pagpatay.

Sa testimonya ni Hobro, naroon aniya ito sa naturang murder incidents.

Ayon sa kalihim, ngayong araw o sa Lunes isasampa ng National Prosecution Service ng DOJ ang mga kaso.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble