Kontrata sa Manila Bay reclamation projects, dapat suriin—DOJ

Kontrata sa Manila Bay reclamation projects, dapat suriin—DOJ

DAPAT masuri at marepaso ang mga kontrata sa isinagawang reclamation projects sa Manila Bay.

Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Sec. Jesus Crispin Remulla dahil malaki aniya ang epekto nito sa Metro Manila at sa mga kalapit-lalawigan.

Partikular na aniya dito ang mga pagbaha tuwing may kalamidad ayon na rin sa pahayag ng ilang senador sa pagdinig ng Senado.

Ipinunto pa ni Remulla, dapat mabusisi ang mga kontratang pinapasok ng Philippine Reclamation Authority at ng mga local government unit (LGU).

Nakatakda namang makipag-usap si Remulla kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Ma. Antonia Yulo-Loyzaga para malinawan sa mga isyu na may kinalaman sa mga reclamation project sa Manila Bay.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble