MULI na namang pinasaringan ni Justice Secretary Crispin Remulla si Negros Oriental 3rd District Congressman Arnolfo “Arnie” Teves, Jr.
Sinabi ng kalihim na sinumang tao na tumatakas o nagtatago ay malamang na talagang may kasalanan.
Kung natatakot man aniya ang isang tao ay dahil siya ay may kasalanan at alam niyang siya ay mapaparusahan.
Samantala hindi aniya nababahala si Remulla sa pagbawi ng testimoniya ng mga testigo laban kay Teves dahil marami aniya silang mga real evidences.