NAGPALABAS ang The Royal Mint ng Britain ng special edition ng 50 pence coins.
Bilang pakikiisa ito ng The Royal Mint sa coronation ni King Charles ayon kay Director Mark Loveridge.
Sa special edition, makikita ang larawan ng bagong hirang na Hari.
Kaugnay nito, makatatanggap ng kabuoang limang milyong special edition coins ang mga post offices at bangko sa United Kingdom.
Ito na ang pangalawang beses na nagpalabas ng special coins ang The Royal Mint na may mukha ni King Charles.