COVID-19 travel restrictions, hindi ipatutupad sa bansa—DOH

COVID-19 travel restrictions, hindi ipatutupad sa bansa—DOH

WALANG ipatutupad na travel restrictions kahit pa may nakitang panibagong COVID-19 variants at tumataas ang kaso nito sa ibang bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), walang scientific basis ang pagpapatupad muli ng travel restrictions.

Subalit sa kabila nito ay tiniyak ng ahensiya na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga international health authority at ng kanilang Bureau of Quarantine para bantayan ang entry points ng bansa.

Mula Mayo 7-13, 2024, nasa 877 ang naitatalang panibagong COVID-19 cases o katumbas ng 125 na kaso bawat araw.

Nasa lima lang din ang naitalang nasawi mula Abril 30-Mayo 13, 2024.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble