BUMANGGA ang ambulansiya ng AFP Naval Combat Engineering Section, sa barrier sa bahagi ng Shaw Blvd Bus Station, EDSA Soutbound.
Nangyari ang insidente ng pagbangga alas onse ng umaga ngayong araw ng Sabado, Hunyo 22, 2024.
Bahagyang nagdulot ng trapik ang insidente lalo na sa mga nakasunod na mga bus sa naturang bus lane.
May ilang personnel na rin ng Army, Pulis at PCG ang nakabantay sa lugar.