PABABA ang crime rate ng National Capital Region (NCR) at sa buong Pilipinas.
Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson PLtCol. Dexter Versola sa panayam ng SMNI News base sa napag-usapan sa pagdinig na pinangasiwaan ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs.
Saad pa ni PLtCol. Versola na ang mga datos na ipinakita ng PNP ay hindi pineke at base sa datos na nakalap ng national headquarters ng Philippine National Police (PNP).
Nagkaroon din ng pagpupulong ang PNP-NCRPO para sa pagkakaroon ng ‘Oplan Sita’ at sa pagpatutupad ng National Police Clearance.
Sa ngayon, tinitingnan na rin ng PNP ang pagkakaroon ng tauhan ng PNP para sa monitoring ng closed-circuit television (CCTV) sa mga skyway upang madaling maka-responde kung may kahina-hinalang aktibidad o iligal na mga gawain.
Dagdag pa ni Versola, may lead na ang NCRPO hinggil sa insidente ng nakawan sa skyway.