NAG-aalok ang Croatia ng 3,500 trabaho para sa mga Pilipino, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).
Kabilang sa mga posisyong bukas ang housekeeping, food service, at front desk operations.
Ang sweldo ay nasa 1,000 euros pataas o humigit-kumulang P62,000.
Ayon sa DMW, nagpapakita ito ng lumalakas na ugnayan sa paggawa sa pagitan ng Pilipinas at mga bansang European.