Cruise ship, bawal na sa Amsterdam

Cruise ship, bawal na sa Amsterdam

IPINAGBABAWAL na sa Amsterdam sa Netherlands ang mga cruise ship at iba pang sasakyang pandagat.

Ito’y para maagapan ang polusyon sa lugar matapos tumaas ang kanilang pollution rate.

Ayon sa ilang opisyal, hindi naayon sa ‘sustainable ambitions’ ng Amsterdam ang pagdami ng cruise ship sa bansa.

Isa rin itong hakbang para mabawasan ang pagdagsa ng mga turista sa siyudad.

Kasabay rin nito ang pagbabawal ng paninigarilyo ng cannabis sa kanilang mga red-light district.

Matatandaan na ang Amsterdam ay nakakapagtala ng 20 milyong bisita kada taon dahil sa kasikatan nito.

 

Follow SMNI News on Rumble