PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga empleyado ng gobyerno na manatiling neutral sa politika at huwag makisawsaw sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pangangampanya para sa halalan ngayong Mayo.
Batay sa Joint Circular No. 1 Series of 2016 ng Commission on Elections at CSC, ipinagbabawal sa mga kawani ng gobyerno ang:
- Pagsali sa mga grupo o aktibidad para sa pangangampanya
- Pagsasagawa ng political rallies o meetings
- Pagsasalita sa media upang suportahan o kalabanin ang isang kandidato
- Pamamahagi o pagpapakita ng campaign materials
- Direkta o hindi direktang pangangalap ng boto
- Paggamit ng government resources para sa pulitika
- Paghahatid ng pondo o materyales sa mga kandidato
- Pagsusuot ng campaign-related items nang walang pahintulot ng COMELEC
- Pagsisilbing watcher ng isang kandidato o partido
SAKOP ng patakarang ito ang lahat ng mga empleyado kahit naka-leave.
Ang sinumang mapatutunayang lumabag dito ay papatawan ng parusang isang buwan at isang araw hanggang anim na buwang suspensiyon sa unang paglabag.
Dismissal naman sa pangalawang paglabag.
Follow SMNI News on Rumble