MAGSASAGAWA ng nationwide job fair ang Civil Service Commission (CSC) sa susunod na buwan.
Ito ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng ahensiya.
Ilulunsad ang job fair simula Setyembre 2-6 sa iba’t ibang mall at civic centers.
Ang onsite job fair ay magbibigay ng pagkakataon sa mga indibidwal na nagnanais na magkaroon ng karera sa pampublikong sektor na makaharap at maka-ugnayan ang mga recruiter at makapagsumite ng mga requirement sa mga napiling ahensiya ng gobyerno.
Lalahukan naman ang naturang job fair ng mga ahensiya ng gobyerno, lokal na pamahalaan, state universities and colleges, at mga government-owned and controlled corporations.
