NAKATANGGAP ng tulong-pinansiyal ang 472 benepisyaryo mula sa Brgy. Culiat at Brgy. New Era ng Quezon City sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Pinangunahan ni Councilor Vito Generoso ang pamamahagi ng tulong katuwang ang District 6 Action Office at mga barangay official.
Ang AICS ay tulong-pinansiyal ng DSWD ay para matulungan ang mga mahihirap na pamilya sa anumang ‘unexpected crisis’ tulad ng malubhang sakit o pagkamatay ng mga miyembro ng pamilya.