SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA BARMM) ang isang drug den at inaresto ang 4 na suspek matapos ang buy-bust operation sa paligid ng Datu Udtog Matalam St., Purok Dumpsite, Rosary Heights 10 (Malagapas), Cotabato City kamakailan.
Kinilala ang mga nahuli na suspek na sina Roseller Samodio Aba, kilala rin bilang Buddy (drug den maintainer), at ang kaniyang mga parokyano: Cominie Beto Sulaiman, Conex; Albert Maghanoy Gallego,@ b Go; at Mohamad Guad Badal, @ Mads, na nakakulong ngayon sa PDEA BARMM jail facility at kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na inamyendahan ng Republic Act No. 10640, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na negation operation na nagresulta rin sa pagkakatuklas at pagkalansag sa drug den ay nagmula sa tip ng isang concerned citizen sa lugar.
Nakumpiska at narekober ang 8 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na humigit-kumulang 5 gramo na nagkakahalaga ng P34-K buy bust money, at iba pang paraphernalia.
